Abala na naman ang mga guro at mga lokal na pamahalaan sa paghahanda ng pagbubukas ng klase ngayong June.

Kaya naman viral ngayon sa social media ang libreng school supplies na ipamimigay sa mga estudyanteng nag-aaral sa pampublikong paaralan sa Lungsod ng Mandaluyong.

Proud at tuwang tuwa naman ibinahagi ng netizen na si Baby Aquino ang mga libreng school supplies na ipinamahagi ng lungsod ng Mandalyuong sa mga estudyante.

Isang magandang ideya ito upang mas ganahan pang pumasok sa paaralan ang mga bata at minus gastos na rin para sa mga magulang.

“Mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Mandaluyong nakahanda na ang school supplies na ipapamigay sa Lunes, unang araw ng pasok ng mga estudyante. Ang proyektong eto ay handog ng City Government of Mandaluyong,” saad sa post ni Aquino.

Makikita sa larawan na naka-ayos na ang mga school supplies sa kanya-kanyang upuan ng mga estudyante. Kabilang sa mga ipinamigay ay school uniform, mga papel, libro, notebook at bag.

Umani naman ng papuri mula sa mga netizen ang mga libreng school supplies na ipinamigay. Bilib sila dahil pinapahalagahan nila ang kanilang mga estudyante at inienganyo pa nila ang mga mag-aaral na pumasok sa paaralan.

Sa ngayon, umabot na ng 2,600 shares ang natural post.

Ayon sa mga netizen, dapat lahat umano ng lungsod ay may palibreng school supplies para sa mga mag-aaral para na rin maibsan ang gastusin ng mga magulang.