Umaapela ng tulong pinansyal ngayon sa social media si Asian Games gold medalist Hidilyn Diaz dahil nahihirapan na umano siya sa kanyang training para sa 2020 Tokyo Olympics.

Pinag-uusapan ngayon online ang paghingi ng tulong pinansyal ni Diaz sa kanyang Instagram post. Aniya, kailangan na kailangan daw niya ng sponsor ngayon kaya idinaan na sa social media ang paghingi ng tulong.

Nanalo si Diaz sa weightlifting noong 2016 Summer Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil at nag-uwi siya ng silver medal.

Sa kanyang Instagram post, aniya, “Is it okay to ask sponsorship sa mga private companies towards Tokyo 2020?”

“Hirap na hirap na ko, I need financial support.”

Pag-amin ni Diaz, nahihiya daw siya nganit kailangan niyang kapalan ang mukha para maabot ang pangarap na maipanalo ang Olympics.

“Sa tingin niyo okay lang kaya? Nahihiya kasi ako pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa atin bansa na maiuwi ang Gold Medal sa Olympics,” saad pa niya.