Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakapagpaanak ng buntis ang isang lalaking pasahero sa loob mismo ng bus nitong Martes.

Sa tulong ng isang lalaki, matagumpay na nailuwal ng babae ang sanggol.

Nag-viral sa social media ang video na ibinahagi ng Tatak Mindanao page. Kung saan umani ng papuri ang ginawang pagtulong ng lalaki sa buntis.

Dahil nga manganganak na ang buntis ay hindi na ito nakaabot sa ospital pa kaya naman napilitan silang sa bus nalang paanakin.

Ayon sa post, napaanak ang buntis sa may Valencia City, Bukidnon at mabuti na lamang na may nagkusang tumulong sa babae.

Kitang-kita sa video ang paglabas ng sanggol at dahan-dahan naman itong iningatan ng lalaki hanggang makalabas ito ng walang problema.

Maririnig naman ang pag-iyak ng sanggol at ilang sandali pa ay dumating na rin ang isang nurse. Ito na ang tumapos at nagpatulong na mailipat ang babae upang maidala sa pinakamalapit na ospital.

Binati naman ng mga netizen ang babae dahil naging matiwasay at mabilis ang kanyang panganganak.

Samantala, umabot na sa 12 thousand ang share ng naturang post at nasa 28 thousand ang reaction.