Naglabas na ng pangalan ng sukang may halong synthetic acetic acid ang Food and Drug Administration (FDA) ngayong Martes.

Limang brand ng suka ang pinangalanan ng FDA na dapat hindi na tangkilikin ng mga mamimili dahil nakitaan ito ng synthetic acetic acid.

Narito ang mga vinegar manufacturer na nakitaan ng synthetic acetic acid:

1. Surebuy Cane Vinegar
2. Tentay pinoy Style Vinegar
3. Tentay Premium Vinegar
4. Tentay Vinegar Sukang Tunay Asim
5. Chef’s Flavor Vinegar

Ayon kay Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, hindi umano dapat ibinibenta sa publiko ang ganitong mga suka.

Saad ng advisory, wala umanong kapahamakan na dulot sa kalusugan ang sukang may synthetic acetic acid, ngunit maituturing isang peke ito dahil substandard ang quality nito.

“The presence of synthetic acid merely represents that the vinegar did not undergo fermentation, either through a slow process, quick process, or submerged culture process which is used for commercial vinegar production,” ayon sa advisory.

“The presence of synthetic acetic acid is not a safety issue and does not pose any health risk to consumers as this only means that the vinegar is of substandard quality.”